Monday, December 22, 2008

SRRX Premiere Night

Successfull ang premiere night ng Shake, Rattle & Roll X sa Megamall, hindi lang dahil sa dami ng nanood kundi sa dami ng artistang naroon na mula sa GMA at ABS CBN. Tagumpay na naman si Mother Lily para maipagsama-sama sa isang pelikula ang mga artista ng dalawang malalaking istasyon. Naroon ang cast na sina Marian Rivera, JC De Vera, Roxanne Guinoo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Mart Escudero, Jennica Garcia, Jean Garcia, Marco Alcaraz, Steff Prescot at marami pang iba! Namataan din sa nasabing premiere night si Dingdong Dantes at si Rhian Ramos.

Photobucket

Photobucket

Photobucket


Napuno ng hiyawan ang sinehan dahil sa mga fans ng kani-kanyang artista at siyempre dahil sa mga eksenang katatakutan ng pelikula. Para sa akin, pinakanakakatakot ang Emergency.Pero di pahuhuli sa panggugulat ang Class Picture. At nakakaaliw naman ang Nieves. Kenkoy na Marian Rivera ang mapapanood dito at ok naman ang kanyang pagkakaganap bilang Engkantolorya!

Photobucket

Photobucket

Photobucket


Past 11PM na ng matapos ang premiere dahil around 9 na ito nagsimula. Katulad ng nakaraang SRR, mag-i-enjoy na naman ang mga manonood dito at for sure, Box Office Hit na naman! Sa December 25 na ang showing ng SRRX kasabay ng iba pang pelikulang kasali sa MMFF'08.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket


Personal Note: Mabait ang Kimerald loveteam. Palangiti at always willing magpa-pic (may pic nga kami with them). Ang ganda ng aura ni Marian at parang di na-stress sa dami ng intrigang ibinabato sa kanya. Si Marian at Dingdong ang pinagkaguluhan ng gabing iyon, di lamang ng mga fans kundi pati ng press. Binatang binata na si Mart at dalagang dalaga na si Jennica. Mukhang galit sila nung nagsisimula ang premiere pero nagkabati naman bago matapos. Di namin alam kung bakit nagkagalit, pero ang cute nilang tingnan. Thanks for viewing!

2 comments:

Unknown said...

Wow! Thanks sa pagshare! I like Marian and Dingdong. Kinikilig aku sa kanila. Kaya nung nalaman kung magkasama sila sa PN, natuwa talaga aku. Mukang hindi magkatabi si JC and Rhian. Si Mother Lily, fan ata ng DongYan loveteam. Kaya kahilera ng cast si Dingdong. Ninang si Mother Lily sa kasal ni Sergio and Marimar di ba? ^__^

thirstytrooper said...

hi psyche knight! Mukhang malapit nga sa Dongyan si Mother. Magkahiwalay sila supposedly ng seats pero tumabi si mother sa Donyan. Si Rhian, pumunta sa pinakataas habang si JC ay nasa ibaba kung san nakareserba para sa cast. Siguro ayaw talaga ni Rhian na umeksena kaya tama lang naman na humiwalay siya kay JC.