Sunday, December 7, 2008

Paalam Marky!

Sa isang show ng starstruck batch four winners ko unang nakita ng personal si Marky Cielo. May, 2007 noon. He was one of the special guests. may dance number siyang pinalakpakan ng todo. pagkatapos ng number niya, karipas kami sa likod ng venue kung saan ang entrance ng mga artista. Halos kaladkarin ko si Al. Gusto ko kasing magpa-pic kay Marky. Nakapagpa-pic naman ako. Ang unang impression ko sa kanya eh mahiyain. Nakangiti lang at tahimik. Dinumog siya noon ng mga taong gusto ring makasama siya sa litrato.

Pangalawalang beses na nakita ko siya at naipakilala ako ni Al sa kanya eh noong pumunta kami ng SOP para mapanood si Mart, 2007 pa rin yun at kasagsagan ng lagalag ko sa mga shows ni Mart na kadalasan ay nandun din si Marky. Kinamayan ako at sini-sir ako ni Marky. Kumusta po Sir, ang sabi niya. Magalang na bata talaga. At hindi ko naisip na maaalala pa rin ako ni Marky sa pangatlong kita ko sa kanya.

Rehearsal nila sa sayaw nila sa SOP noon. It was Saturday night. nakasalampak kami sa carpetted na floor (third floor yata yun) malapit sa rehearsal studio, at tinitingnan ko ang mga messages sa cell ni Al. Nang may kamay na biglang lumitaw sa harapan ko malapit sa cellphone na binabasa ko na aktong nakikipagkamay. Napatingin siyempre ako kung sino at kanino ang kamay na yun. Kay Marky. Sabay sabi ng kumusta Sir? Nakangiti ang maamo niyang mukha. Gulat man ako, inabot ko ang kamay niya na nakikipagkamay at sabi ko ay ok lang. Pababa na siya noon at dadaanan ang lugar ko papuntang elevator. Di ko makakalimutan iyon. naikuwento ko nga kay Al. Sabi ko, ang bait naman ni Marky at natandaan talaga ako eh minsan lang naman kaming nagkita.

Mula noon, kapag nagkikita kami sa mga taping na kasama din si Mart at Jennica, eh laging bumabati, kumakaway at ngumingiti sa amin yan. Narito ang isang video niya ng minsang dumalaw kami sa taping ng TBND nila.

At lagi siyang nagpapaunlak sa request namin to pose for our camera. At nalaman din namin na talaga palang close sila ni Mot. Napakabait na bata daw talaga ni Bok. Taping ng The Boys Next Door noon, si Marky mismo ang nagtuturo ng steps kay Mart kapag absent si Mart sa dance rehearsal nila for SOP dahil nag-ooverlap ang taping ni Mot. Si Jennica naman, nagsabi rin sa amin na mabait si Marky at siya ang umaalalay kay Jennica noong baguhan pa lamang siya sa TBND for her to feel at home sa set. Madali talaga siyang makapalagayang loob. Walang yabang sa katawan, simple at totoong tao.

Kahapon, nasa Tondo ako with friends, kalagitnaan nang aming inuman, eh biglang nagtext si Al abaout the sad news. di ako nakareply sa kawalan ng load kahit gusto ko siyang uriratin. Ibinalita ko sa mga kainuman ko, namatay na daw si Marky? May isang babae doon na kamag-anak ng kaibigan ko na kararating lang at ibinalita nga raw sa TV na patay na si marky at bangungot daw ang ikinamatay. Medyo lasing ako ng umuwi sabay ang shock at lungkot na sa masamang balitang iyon. Nagpa-load ako bago pumasok ng bahay at tinext ko si Al. Binangungot nga raw si Marky. Pero aalamin niya raw kung makakapunta kami sa burol.

Mga 7:30 pm noon ng makauwi ako sabay bukas ng TV para makasagap ng balita sa pagkamatay ni Marky. Puro kay Paqiao ang napanood ko. Hanggang may isang GMA Flash News kinaumagahan na nagbalita na nga na nakaburol na si Marky sa bahay nila sa Atipolo.

Kinakitaan ko ng kasiglahan si Marky at hindi mo paghihinalaan na maysakit. Matipuno ang katawan, walang bisyo at hindi palagimik. Full of life at good boy talaga. At biglang narito ang balita ng kanyang sudden death. Sino ba naman ang di masa-shock at malulungkot lalo na at na-meet ko na siya ng personal ng makailang beses din. Kaya naiisip ko rin mismo ang talagang kapamilya niya at mga taong malalapit sa kanya na naiwanan niya. At ano kaya ang reaksiyon ni Mot?

Nabasa ko sa PEP na panay daw ang hagulgol ni Mot noong makita si Marky na nasa kanya ng kabaong. At kanina sa Sis, naikuwento ni Karl, na kapatid na nga ang turingan nilang dalawa. Kung Sunday at may SOP, maaga pa lang ay nagkikita na sila sa GMA, at sabay sila mag-almusal. Nagtitext din daw sila at alam nila kung may problema ng isa't isa. Kung minsan inaabot sila ng madaling araw kaka-text. At ang message ni Mot na medyo naiiyak ako, sabi niya, "Bok, kung gsuto mo ng kausap, kahit na ganito na ang sitwasyon ngayon, narito lang ako, kausapin mo ko at hindi ako matatakot". Mararamdaman mo sa katagang ito ni Mot, na malalim na nga ang kanilang samahan bilang magkaibigan.

Bilang pag-alala sa kabaitan at kasiglahan ni Marky noong nabubuhay pa siya, this blog wants to share his pictures and Mart and Jennica's memories with him. Mahal ka ng mga Martians/Jemanians Marky. Salamat sa alaala na mananatili sa aming mga puso.


Isang video ni Marky noong 2007 bago magpasko. Biglang dumami ang comments.

Photobucket
Huling pic ni Mot na kasama si Bok. Sa SOP ito ngayong taon lang.

Photobucket
Noong mag-debut si Jennica sa SOP.

Photobucket
Sa SOP pa rin ito noon, 2007.

Photobucket
Sa TBND set with Glaiza, 2007

Photobucket
Sa TBND pa rin, pinanonood niya ang The making ng Zaido dito sa cell niya na may TV.

Photobucket
Marky with Mot & Nic.

Photobucket
With Tala na die-hard fan din ni Marky.

Photobucket
Sa Tagaytay ito, habang walang eksena ay natutulog talaga si Bok.

Photobucket
With Steph and Kiko.

Photobucket
With Chuck Alley.

Photobucket
Sa pic na ito parang may lungkot sa mata ni Marky kahit nakangiti. TBND promo sa SOP.

Photobucket
Photobucket
Photobucket
Katuwaan kong ni-layout ang pic nila Bok, 2007 GMA Kapusolympics.

Photobucket
Photobucket
TBND Mall Show

Photobucket
Photobucket
promo ng TBND sa Walang Tulugan, pauwi na si Marky dito.

Photobucket
Ito ang araw na ipinakilala ako ni Al kay Marky. Nakilala ko rin ang ilang fans ni Marky dito like Evie na napakabait.

Photobucket
At ito ang isa sa mga paborito naming pic, magkakasama ang magkakabarkada sa Starstruck.

Mahal ka ng mga Martians/Jemanians Marky. Salamat sa alaala na patuloy na mananatili sa aming mga puso.

No comments: