Sunday, December 14, 2008

Mart & Jennica sa SRRX Prescon!

Photobucket
Alam kong maraming JeManians ang naghihintay sa blog kong ito kaya eto na ang ilang pics at video ng nakaraang Shake, Rattle and Roll X na ginanap last Tuesday, December 9, sa Imperial Palace na pagma-may-ari ni Mother Lily.

Nauna ako sa place, around 7pm. Wala pang ilang segundo eh dumating na si Mot na tinapik ako sa likod. Konting usap at kinumusta ko siya. Feeling ko kasi down na down siya sa pagkamatay ni Bok. Ok naman daw siya. Malungkot lang talaga. At ang lagi nyang sabi eh nawalan siya ng kapatid. Mukang ok nga naman siya pero halata ang lungkot sa mata.

Tumuloy na kami sa loob ng dumating na rin si JC de vera na isa sa mga bida at niyaya si Mot na pumasok na para na rin makausap na sila ng press people na nandun na. Katabi ko sa mesa si Joey, RM ni Mot. Mga 8pm dumating si Jennica na dalagang dalaga na at ubod ng ganda. Kapansin-pansin na kakaunti lang ang mga artistang dumating. Bukod sa Jema, nandun lang sina Roxanne Guinoo, Marco Alcaraz, Luis Alandy, Buboy (yung promising na bata sa dyesebel), si JC de Vera at yung isa pang girl na hindi ko kilala. Di ko nga alam kung may kasunod pang prescon ito or yun na mismo yun. Sabi ni Jennica, iyon na daw yun. Wala ang mga nasa lead roles na sina Marian rivera at Kim Chui and Gerald Anderson. Samantalang ang SRR9 noon ay di magkamayaw sa dami ng artistang dumating at halos di magkasya sa presidential table.

Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket


Pero ok lang, atleast nandun ang mahal nating si Mart at Jennica. Na tutuloy pa sa burol ni Marky pagkatapos ng prescon. Sinabayan kong kunan ng video ang dalawa habang ini-interview ng GMA,pero sa next part ko na lang ipapakita so abangan!
Photobucket

Nandun din pala ang dalawang direktor ng pelikula na si Topel Lee at Mike Tuviera na mukhang kaututang dila na ni Mot.
Photobucket

Ang SRRX ay may premiere night sa December 20 sa SM Cinema sa Megamall, sa darating na Sabado at magsu-showing sa Pasko kasabay ng mga pelikulang kasali din sa Metro Manila Film Festival at pakrismas na sa 'tin ng JEMA. See you there!

Photobucket

No comments: