Thursday, August 21, 2008

M.Y.M.P. now Prescon

Photobucket

Nasa album launching (prescon na rin) ako ng MYMP noong August 19. Yup, may bago silang album na ang title eh MYMP Now. Maganda ang mga selections at ito pa rin ang kind of music na minahal natin mula kay Juris & Chin. Sa mga sumusunod na kanta, paborito ko ang "Set You Free" ng Side A dati. Ito rin ang gustong kanta ni Juris sa Album. Release na po so buy na. No to pirated CD.

Photobucket

Photobucket

Monday, August 11, 2008

Something to say about...

Nasa SOP kami ni Karla last Sunday, 08/10/08. Text text at usap na pupunta nga kami, knowing na hindi naman namin alam kung makakapasok kami. Lakasan ng loob? Bahala na. Nung andun na kami sa visitor's entrance. tinext namin ang mga tingin namin ay pag-asa namin para maka-enter. Tinext ni Karla ang RM ni Mot, si Joey, bc yata kaya late ang reply, ang dami kasi nyang inaasikaso. Bukod kay Mot, eh aligaga din siya kay Dennis. Tinext din ni Karla si Mot...nagbakasakali lang naman. Pero nagreply si Mot at nagtanong kung asan kami. Tinext din ni Karla si JayR, ang r&b prince lang naman. Nagreply at ipasusundo daw niya kami. Pero nakita namin si Mot, at siya pa mismo ang nagpaalam sa guard para papasukin kami. Ang bait ni Mot ano po? Pero kaka-guilty t naistorbo namin... So panay ang thank you namin kay Mot sa pang-aabala namin. Hehehe! Thanks uli Mart.

Narito nga pala ang mga pics last Sunday. Comment na lang ako and say something about the stars na nasa pics.
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket

MART:
Pumayat si Mart ngayon at bumagay naman sa kanya. At binata na huh. Mukha kasi siyang totoy pa noong isang taon. Ang bilis nga naman ng panahon at ngayon ay nanliligawsiya sa dalaga ni Madam Jean Garcia na si Jennica na ka-loveteam uli ni Mot ngayon sa Ako Si Kim Sam Soon. Hindi dahil sa fan ako ni Mart pero gumagaling na talaga si Mot sa pag-arte ng tama lang at natural. Bawat bigkas ng dialogue at expression ng mukha. Pati pag-iyak. Keep it up Mot. I am truly a proud Martian. Kasama ba siya sa Gagambino? Abangan.

Photobucket

MARK:
Bait ni Mark. Cowboy na cowboy. Game na game magpa-pic kaya nilubos na namin ni Karla. At infairness, natatandaan nya kami. Kasama siya sa Italy na ipapalabas sa September kapartner si Rhian at pinagbibidahan ni Jolina at Dennis. Tumaba si Mark ngayon at naka semi kalbo na naman... bagay naman sa kanya. Ano ba ang susunod na teleserye niya after Joaquin Bordado?

Photobucket

MARKY:
Ganun pa rin si Marky. Bumabati, sumasaludo pag nakikita niya kami. Di nakakalimot. Kasama siya sa Asero, after ng top rating na afternoon soap na "Kaputol Ng Isang Awit" with Glaiza De Castro na tampok na bituin naman ng Dear Friend noong nakaraang Linggo. At napakaposible rin na one of these days ay si Marky naman ang panonoorin natin sa Dear Friend na panalo sa rating ngayon. So congrats sa staff ng dear friend.

Photobucket

JC:
Lagare ang isang ito ngayon. May "Loving You" na malapit nang ipalabas. May "La Lola" na partner si Rhian Ramos. At may "Sundo" (partner din si Rhian) na pinagbibidahan ni Robin Padilla na magsu-shooting na. Magaling naman kasi talaga si JC kung acting at acting ang pag-uusapan. Napakagaling niya sa "Babangon ako at dudurugin kita".

Photobucket

KATRINA:
Speaking of lagare, bukod sa pelikulang Miss X, ay may one month na "Obra" si Katrina. Drama series na iba iba ang direktor kada episode at magsisimula na this coming Thursday. Marami ang nagsasabi na suplada si Kat. Pero hindi po. napakabait ng dalagang ito contrary sa mag paratang sa kanya. manonood ako ng obra at mukhang very promising ang handog na ito ng GMA. Si Joel Lamangan yata ang nagdirek ng pilot episode.

Photobucket
Photobucket

JEAN:
Nakita Namin si Madam, at binati namin. At super hello naman siya sabay tanong kung nagkikita pa kami nila Jennica. Siyempre lately hindi na. Huli namin siyang nakita noong presscon ng ASKSS. Super beso siya sa amin nung umalis siya para umuwi. Goodluck sa "Loving You" madam!

Photobucket

IZA:
Laging nakangiti si Iza. Birthday presentation nya sa SOP. Kasama pala siya sa "Adela" na bida si Ms. Anita Linda (according kay Karla). maganda raw at nakakaiyak ang pelikula. eto yung link:http://www.pep.ph/guide/1768/Anita-Linda-spends-a-lonely-birthday-in-Adela. Kasama rin si Iza ni gabby Concepcion sa gagawing pelikula nito sa GMA. Kasama rin siya sa Marian-Dingdong Movie di ba? happy birthday Iza!

Photobucket

JAYR:
Wala lang. Ang galing mo lang. Kaka-award lang ng Gold Record Award ng "Soul In Love" na album ni jayr...wala pang promotion yan huh, ngayong pinu-promote nila mula mismo kay jayr, eh magdo-double platinum na daw. congrats sa r&b prince!

Photobucket

PIA:
Nung tinawag ko siya para magpa-pic, ang sabi ko "Angel". Di ba Pia Arcanghel (tama ba spelling?) name niya at siya yung sa Art Angel? Kaya Angel ang naitawag ko. Na di naman niya kinurek kaya ok lang siguro sa kanya. I love the face of this lady. mukhang anghel talaga. napakabait ng mukha. para ring si Vicky Morales na ang gaan ng pakiramdam at parang nakakawala ng problema pag tinitingnan ang mukha niya.

Photobucket

BRENT:
A Model (Ramp and Commercial) turned actor. Kasama ba siya sa Loving You? Di ko alam. Pero nasa SOP siya last Sunday. Sana magka-project siya sa Kapuso.

Photobucket

MEL:
Si Ate Mel, nag-birthday pala ng Aug. 10 at napanood ko sa "Mel & Joey" ang celebration niya. May VTR doon kung saan pumunta siya ng Palengke para kumustahin ang mga kababayan nating kapos at para pumili ng mga taong tutulungan niya. Naiyak ako sa kalagayan ng isang ale na namimili at pinagkakasya ang forty pesos na pamalengke. Nakita ni Mel yung ale na tumatawad sa tindera ng galunggong na uulamin nila ng kaniyang walong anak (wala po siyang mister), tinulungan siya ni mel at pinamili ng pagkarami-raming pang-ulam nilang buong pamilya. Naisip ko, angal tayo ng angal sa hirap ng buhay ngayon pero kung titingin ka sa paligid mo, eh mas pinagpala pa rin pala tayo. Happy Bithday Ms. Mel Tiangco at patnubayan ka sa magagandang layunin mo.

KARLA:
Thank you sa mga pinahiram mo sa kin na mga dvd at cd. Kitakits uli sometime.

Magandang araw sa lahat!