Wednesday, July 1, 2009
Mart, bilang "Beto" sa Rosalinda
Sa Lunes na, July 6 ipapalabas ang latest na teleserye ng GMA, ang Pinoy version ng ROSALINDA na pinangungunahan ni Geoff Eigenman at Carla Abellana.
At dito muling mapapanood si Mart Escudero bilang kapatid (na may pagkamaangas na ugali) ni Rosalinda na si Beto. Kung matatandaan, medyo sexy ang Beto sa orihinal na version. Ganito rin kaya sa Pinoy version? Kaya panay ang pag-ji-gym ni Mart?
Ka-loveteam ngayon ni Mart dito si Ryza Cenon. Bagay kaya? Tingnan natin.
Also included in the cast are top-caliber actors including Roderick Paulate, Ariel Rivera, Sheryl Cruz, Jessa Zaragosa, Jennifer Sevilla, Sherilyn Reyes, Ayen Munji-Laurel, Gary Estrada, Sheena Halili, Mike Tan, Marco Alcaraz, Gian Magdangal, Kristal Reyes and Marky Lopez.
Si Maryo J. Delos Reyes ang direktor ng Rosalinda, at siya mismo ang pumili kay Mart para sa role na ito. Abangan ang kakaibang Mart sa teleseryeng ito na inaasahang uulit sa makasaysayang tagumpay ng Pinoy Version ng Marimar.
Samantala, narito ang video ng performance nila Mart sa Great and Grateful at 59, Anniversary celebration ng GMA courtesy of megan064.
Thursday, January 15, 2009
Monday, January 12, 2009
Jennica Garcia & JC Tiuseco in Maynila!!
Sa Sabado, January 17 ay mapapanood na ang "Maynila" kung saan first time na mapapanood na umarte ang Philippine Survivor winner na si JC Tiuseco at makakasama niya rito ang promising young actress na si Jennica Garcia. We went to the taping last Thursday, Jan. 8 at 'di alam ni Jennica na pupunta kami. Kaya laking gulat niya ng makita kami sabay tanong kung bakit kami nandun. Miss na rin kasi namin si Nicnic at matagal na naming 'di nakakakwentuhan.
JENNICA: Makulit pa rin si Nicnic at kung anu-ano ang ibinida sa amin. 'Di pa niya sigurado kung matatapos na ang "Gagambino" kung saan kasama niya ang reel and real loveteam partner na si Mart Escudero. Nakaka-13 weeks pa lang kasi sila at hanggang 18 weeks ang bubunuin nilang taping dito. Naitanong namin kung may next project na siya katulad ni Mart na kasama sa "Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang" na pinagbibidahan ni Marian at Dingdong. Wala pa raw siyang alam kung ano ang susunod niyang proyekto at hindi niya rin alam kung sino ang makakapartner niya rito kaya abangan na lang daw. So far ay maayos naman ang takbo ng kanyang career at nagapapsalamat siya at kumita ang "Shake, Rattle and Roll X", kung saan kasama siya sa episode na "Nieves". Naitanong namin kung bakit hindi sila magkasama ni Mart sa "...Tadyang". Honestly raw, eh wala rin siyang alam. Pero mapapanood naman sila ni Mart ng mahaba-haba sa 8 week episode ng bagong "Dear Friend" coming January 18. Kasalukuyan din silang nagti-tape nito.
JEMA: Kumusta naman ang relasyon? Ok naman sila. may bagong aso si Nicnic na regalo ni Mot sa kanya sa kanilang 1st anniversary at pinangalanan nila itong "Sundance". May regalo rin si Nicnic kay Motmot siyempre.
BIRTHDAY: Noong December 26, ay nag-19th birthday si Nicnic. Nagdinner lang silang buong pamilya. Itinanong din namin kung bakit 'di siya nag-rereply sa text namin nung Christmas, Birthday niya at New Year. Na-PUK pala ang SIM niya.
JC: Mahiyain sa una, 'di palakibo noong una si JC pero maya-maya lang ay lumapit sa amin at nakipagkwentuhan. At nagtanong na rin kami ng kung anu-ano.
SURVIVOR: Scripted daw ang Survivor Philippines? Tanong namin kay JC. Hindi raw. Kung ano ang napanood sa TV, yun ang totoo. Saya, hirap at dusa talaga. Naitanong ko rin kung ok na sila ni Nanay Zita, OK naman daw sila at naintindihan naman siya nito. walang balak mag-business sa ngayon si JC gamit ang kanyang napanalunan at naka-deposito lamang ito sa bangko. If ever na magbi-business siya ay ipapahawak niya ito sa kanyang pamilya dahil hindi niya matutukan dahil na rin sa tawag ng showbiz.
SHOWBIZ: Hindi akalain ni JC na magiging artista siya. Naninibago nga siya at natatawa sa sarili na may mga guestings siya sa kapuso shows na kailangang sumayaw at kumanta na hindi naman niya ginagawa dati. Pero masasanay naman daw siya.
PENSHOPPE MODEL: Coming February ay magkakaroon ng billboard si JC at ilo-launch siya bilang isa sa Penshoppe Models kung saan kasama niya ang mga kapatid sa manager na sina Victor Basa at Akihiro Sato. Sa ilang magazines ay makikita na ang ads ng penshoppe kung saan naroon si JC.
FIRST ACTING JOB: "Maynila" ang mapalad na nakakuha ng serbisyo ni JC para unang umarte. Napanood namin ang taping at medyo nahihiya pa siya sa mga bitaw ng dialogue. Pero sa mga huling eksena ay nai-express na niya ng maayos ang tamang emosyon na kailangan sa script. May isang eksena dito na sinampal siya ni Jennica. Hindi na ko magkukwento at abangan n'yo na lang dahil tawanan talaga kami sa taping. Playboy ang gagampanan niyang role dito at magiging isa sa mga GFs niya si Nicnic. nabanggit niya rin na gusto niyang mapasama sa GMA teleserye katulad ni Jace. Hindi naman malabong matupad ito, sabi ko. Dagdag pa niya, sa "maynila" pa lang daw ay sobra na ang kaba niya, pa'no pa kaya pag teleserye na.
JENNICA on JC: Mabait daw si JC. Walang yabang sa katawan at napakasimple. Considering na 1st Pinoy Survivor pero walang ere at 'di namimili ng kausap. Base sa naranasan namin sa taping, tama si Nicnic. Natatawa si Nicnic dahil nakikita niya ang sarili (male version)kay JC noong nagsisimula siya at walang ginawa kundi mag-lines (magmemorize ng script together with co-stars na kausap sa eksena).
JC on Jennica: 'Di nya raw alam na kalog si Nicnic. Dalagang dalaga sa itsura pero makulit na parang bata at natutuwa daw siya na siya ang first partner niya sa unang sabak niya sa acting. At nahihiya daw siya kay Jennica noong una pero she's easy to get along with dahil kalog at friendly naman. At saksi rin kami sa pagbibigay ng ilang pointers ni Nicnic kay JC dahil nga 'di pa ito sanay sa taping.
Umalis kami sa location ng 5pm matapos ang ilang huling picture taking with Jennica, JC at Sheena. Pansin namin, mukhang friends na si Nicnic at JC dahil lagi na silang nag-uusap. Ako, bilang JEMAnian, ok lang na ipartner si Jennica kay JC. Mabait naman kasi. Kung totoo man na ang senyales ng pagkakasama ni Mart sa "...Tadyang" without a partner ay simula ng paghihiwalay nila bilang magka-loveteam sa screen, eh ok lang sa akin. Nagdaraan naman lahat diyan and it's a part of growing. Susuportahan ko kung sino man ang matotokang partners kay Nic at Mot. But i will always be a JEMANIAN.
Thanks nga pala sa ABSTERS!...

Sunday, January 11, 2009
A New Dear Friend
Kung napapansin n'yo, panay replays ang Dear Friend nitong mga nakaraang Linggo. Pero simula sa January 18, 2009 ay mapapanood na ang bagong bihis na Dear Friend. Di katulad ng dati na tapusan kada linggo (or two sundays), ngayon ay mas pinaganda at ang isang istorya ay tatakbo ng 8 sundays.
At since maganda ang rating na naitala ng tambalang Jennica at Mart, Muli silang ibinabalik sa Dear Friend. Hosts pa din ng programa si Jolens at Marvin. Abangan!
------------------------------------------------------------------------------

Monday, December 22, 2008
SRRX Premiere Night
Successfull ang premiere night ng Shake, Rattle & Roll X sa Megamall, hindi lang dahil sa dami ng nanood kundi sa dami ng artistang naroon na mula sa GMA at ABS CBN. Tagumpay na naman si Mother Lily para maipagsama-sama sa isang pelikula ang mga artista ng dalawang malalaking istasyon. Naroon ang cast na sina Marian Rivera, JC De Vera, Roxanne Guinoo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Mart Escudero, Jennica Garcia, Jean Garcia, Marco Alcaraz, Steff Prescot at marami pang iba! Namataan din sa nasabing premiere night si Dingdong Dantes at si Rhian Ramos.
Napuno ng hiyawan ang sinehan dahil sa mga fans ng kani-kanyang artista at siyempre dahil sa mga eksenang katatakutan ng pelikula. Para sa akin, pinakanakakatakot ang Emergency.Pero di pahuhuli sa panggugulat ang Class Picture. At nakakaaliw naman ang Nieves. Kenkoy na Marian Rivera ang mapapanood dito at ok naman ang kanyang pagkakaganap bilang Engkantolorya!
Past 11PM na ng matapos ang premiere dahil around 9 na ito nagsimula. Katulad ng nakaraang SRR, mag-i-enjoy na naman ang mga manonood dito at for sure, Box Office Hit na naman! Sa December 25 na ang showing ng SRRX kasabay ng iba pang pelikulang kasali sa MMFF'08.
Personal Note: Mabait ang Kimerald loveteam. Palangiti at always willing magpa-pic (may pic nga kami with them). Ang ganda ng aura ni Marian at parang di na-stress sa dami ng intrigang ibinabato sa kanya. Si Marian at Dingdong ang pinagkaguluhan ng gabing iyon, di lamang ng mga fans kundi pati ng press. Binatang binata na si Mart at dalagang dalaga na si Jennica. Mukhang galit sila nung nagsisimula ang premiere pero nagkabati naman bago matapos. Di namin alam kung bakit nagkagalit, pero ang cute nilang tingnan. Thanks for viewing!

Sunday, December 14, 2008
Mart & Jennica sa SRRX Prescon!
Alam kong maraming JeManians ang naghihintay sa blog kong ito kaya eto na ang ilang pics at video ng nakaraang Shake, Rattle and Roll X na ginanap last Tuesday, December 9, sa Imperial Palace na pagma-may-ari ni Mother Lily.
Nauna ako sa place, around 7pm. Wala pang ilang segundo eh dumating na si Mot na tinapik ako sa likod. Konting usap at kinumusta ko siya. Feeling ko kasi down na down siya sa pagkamatay ni Bok. Ok naman daw siya. Malungkot lang talaga. At ang lagi nyang sabi eh nawalan siya ng kapatid. Mukang ok nga naman siya pero halata ang lungkot sa mata.
Tumuloy na kami sa loob ng dumating na rin si JC de vera na isa sa mga bida at niyaya si Mot na pumasok na para na rin makausap na sila ng press people na nandun na. Katabi ko sa mesa si Joey, RM ni Mot. Mga 8pm dumating si Jennica na dalagang dalaga na at ubod ng ganda. Kapansin-pansin na kakaunti lang ang mga artistang dumating. Bukod sa Jema, nandun lang sina Roxanne Guinoo, Marco Alcaraz, Luis Alandy, Buboy (yung promising na bata sa dyesebel), si JC de Vera at yung isa pang girl na hindi ko kilala. Di ko nga alam kung may kasunod pang prescon ito or yun na mismo yun. Sabi ni Jennica, iyon na daw yun. Wala ang mga nasa lead roles na sina Marian rivera at Kim Chui and Gerald Anderson. Samantalang ang SRR9 noon ay di magkamayaw sa dami ng artistang dumating at halos di magkasya sa presidential table.
Pero ok lang, atleast nandun ang mahal nating si Mart at Jennica. Na tutuloy pa sa burol ni Marky pagkatapos ng prescon. Sinabayan kong kunan ng video ang dalawa habang ini-interview ng GMA,pero sa next part ko na lang ipapakita so abangan!
Nandun din pala ang dalawang direktor ng pelikula na si Topel Lee at Mike Tuviera na mukhang kaututang dila na ni Mot.
Ang SRRX ay may premiere night sa December 20 sa SM Cinema sa Megamall, sa darating na Sabado at magsu-showing sa Pasko kasabay ng mga pelikulang kasali din sa Metro Manila Film Festival at pakrismas na sa 'tin ng JEMA. See you there!
Sunday, December 7, 2008
Paalam Marky!
Sa isang show ng starstruck batch four winners ko unang nakita ng personal si Marky Cielo. May, 2007 noon. He was one of the special guests. may dance number siyang pinalakpakan ng todo. pagkatapos ng number niya, karipas kami sa likod ng venue kung saan ang entrance ng mga artista. Halos kaladkarin ko si Al. Gusto ko kasing magpa-pic kay Marky. Nakapagpa-pic naman ako. Ang unang impression ko sa kanya eh mahiyain. Nakangiti lang at tahimik. Dinumog siya noon ng mga taong gusto ring makasama siya sa litrato.
Pangalawalang beses na nakita ko siya at naipakilala ako ni Al sa kanya eh noong pumunta kami ng SOP para mapanood si Mart, 2007 pa rin yun at kasagsagan ng lagalag ko sa mga shows ni Mart na kadalasan ay nandun din si Marky. Kinamayan ako at sini-sir ako ni Marky. Kumusta po Sir, ang sabi niya. Magalang na bata talaga. At hindi ko naisip na maaalala pa rin ako ni Marky sa pangatlong kita ko sa kanya.
Rehearsal nila sa sayaw nila sa SOP noon. It was Saturday night. nakasalampak kami sa carpetted na floor (third floor yata yun) malapit sa rehearsal studio, at tinitingnan ko ang mga messages sa cell ni Al. Nang may kamay na biglang lumitaw sa harapan ko malapit sa cellphone na binabasa ko na aktong nakikipagkamay. Napatingin siyempre ako kung sino at kanino ang kamay na yun. Kay Marky. Sabay sabi ng kumusta Sir? Nakangiti ang maamo niyang mukha. Gulat man ako, inabot ko ang kamay niya na nakikipagkamay at sabi ko ay ok lang. Pababa na siya noon at dadaanan ang lugar ko papuntang elevator. Di ko makakalimutan iyon. naikuwento ko nga kay Al. Sabi ko, ang bait naman ni Marky at natandaan talaga ako eh minsan lang naman kaming nagkita.
Mula noon, kapag nagkikita kami sa mga taping na kasama din si Mart at Jennica, eh laging bumabati, kumakaway at ngumingiti sa amin yan. Narito ang isang video niya ng minsang dumalaw kami sa taping ng TBND nila.
At lagi siyang nagpapaunlak sa request namin to pose for our camera. At nalaman din namin na talaga palang close sila ni Mot. Napakabait na bata daw talaga ni Bok. Taping ng The Boys Next Door noon, si Marky mismo ang nagtuturo ng steps kay Mart kapag absent si Mart sa dance rehearsal nila for SOP dahil nag-ooverlap ang taping ni Mot. Si Jennica naman, nagsabi rin sa amin na mabait si Marky at siya ang umaalalay kay Jennica noong baguhan pa lamang siya sa TBND for her to feel at home sa set. Madali talaga siyang makapalagayang loob. Walang yabang sa katawan, simple at totoong tao.
Kahapon, nasa Tondo ako with friends, kalagitnaan nang aming inuman, eh biglang nagtext si Al abaout the sad news. di ako nakareply sa kawalan ng load kahit gusto ko siyang uriratin. Ibinalita ko sa mga kainuman ko, namatay na daw si Marky? May isang babae doon na kamag-anak ng kaibigan ko na kararating lang at ibinalita nga raw sa TV na patay na si marky at bangungot daw ang ikinamatay. Medyo lasing ako ng umuwi sabay ang shock at lungkot na sa masamang balitang iyon. Nagpa-load ako bago pumasok ng bahay at tinext ko si Al. Binangungot nga raw si Marky. Pero aalamin niya raw kung makakapunta kami sa burol.
Mga 7:30 pm noon ng makauwi ako sabay bukas ng TV para makasagap ng balita sa pagkamatay ni Marky. Puro kay Paqiao ang napanood ko. Hanggang may isang GMA Flash News kinaumagahan na nagbalita na nga na nakaburol na si Marky sa bahay nila sa Atipolo.
Kinakitaan ko ng kasiglahan si Marky at hindi mo paghihinalaan na maysakit. Matipuno ang katawan, walang bisyo at hindi palagimik. Full of life at good boy talaga. At biglang narito ang balita ng kanyang sudden death. Sino ba naman ang di masa-shock at malulungkot lalo na at na-meet ko na siya ng personal ng makailang beses din. Kaya naiisip ko rin mismo ang talagang kapamilya niya at mga taong malalapit sa kanya na naiwanan niya. At ano kaya ang reaksiyon ni Mot?
Nabasa ko sa PEP na panay daw ang hagulgol ni Mot noong makita si Marky na nasa kanya ng kabaong. At kanina sa Sis, naikuwento ni Karl, na kapatid na nga ang turingan nilang dalawa. Kung Sunday at may SOP, maaga pa lang ay nagkikita na sila sa GMA, at sabay sila mag-almusal. Nagtitext din daw sila at alam nila kung may problema ng isa't isa. Kung minsan inaabot sila ng madaling araw kaka-text. At ang message ni Mot na medyo naiiyak ako, sabi niya, "Bok, kung gsuto mo ng kausap, kahit na ganito na ang sitwasyon ngayon, narito lang ako, kausapin mo ko at hindi ako matatakot". Mararamdaman mo sa katagang ito ni Mot, na malalim na nga ang kanilang samahan bilang magkaibigan.
Bilang pag-alala sa kabaitan at kasiglahan ni Marky noong nabubuhay pa siya, this blog wants to share his pictures and Mart and Jennica's memories with him. Mahal ka ng mga Martians/Jemanians Marky. Salamat sa alaala na mananatili sa aming mga puso.
Isang video ni Marky noong 2007 bago magpasko. Biglang dumami ang comments.
Huling pic ni Mot na kasama si Bok. Sa SOP ito ngayong taon lang.
Noong mag-debut si Jennica sa SOP.
Sa SOP pa rin ito noon, 2007.
Sa TBND set with Glaiza, 2007
Sa TBND pa rin, pinanonood niya ang The making ng Zaido dito sa cell niya na may TV.
Marky with Mot & Nic.
With Tala na die-hard fan din ni Marky.
Sa Tagaytay ito, habang walang eksena ay natutulog talaga si Bok.
With Steph and Kiko.
With Chuck Alley.
Sa pic na ito parang may lungkot sa mata ni Marky kahit nakangiti. TBND promo sa SOP.
Katuwaan kong ni-layout ang pic nila Bok, 2007 GMA Kapusolympics.
TBND Mall Show
promo ng TBND sa Walang Tulugan, pauwi na si Marky dito.
Ito ang araw na ipinakilala ako ni Al kay Marky. Nakilala ko rin ang ilang fans ni Marky dito like Evie na napakabait.
At ito ang isa sa mga paborito naming pic, magkakasama ang magkakabarkada sa Starstruck.
Mahal ka ng mga Martians/Jemanians Marky. Salamat sa alaala na patuloy na mananatili sa aming mga puso.

Subscribe to:
Posts (Atom)