Monday, October 13, 2008

GAGAMBINO Presscon!

-----------------------------------------------------------------------------------




PhotobucketPhotobucket

Ang saya kagabi! Nasa presscon na naman kasi kami ng bagong fantaserye offering ng GMA kung saan nandun ang JEMA, kaya nandun din kami at 'di dapat namin palagpasin. Ito ang presscon ng GAGAMBINO at bida dito ang nagbabalik sa telebabad na si Dennis Trillo na super game na game sa mga willing magpa-picture sa kanya habang siya ay naka-gagambino costume.Para kaming nasa langit! Di ba Karla? A week ago ay katext namin si Mot informing us the details ng full promo ng Gagambino. At ito ngamg presscon ang una sa listahan.
Photobucket
Photobucket


Baligtad ang role ang ni Mart at Jennica ngayon. Si Jennica ay si Gelay na to-tomboy-tomboy ang maghahabol ngayon kay Noel na gagampanan naman ni Mart. O di ba may twist? hehehe!

Photobucket

Masaya rin kami dahil kasama sa cast si Jan Manual, na matapos ang aksidente ay balik trabaho na naman, bukod sa ilang regular segments sa SOP at Startalk ay magpapakitang gilas naman siya sa Gagambino bilang baklang P.A. ni Katrina Halili.
Photobucket
Photobucket
Photobucket

Siyempre nandun din si Madam Jean Garcia, at in character bilang kontrabida na naman. Kabilang din sa cast sina Polo Ravales, Raymart Santiago, Isabel Oli, Nadine Samonte, Glaiza de Castro, Benjie Paras, Glydel Mercado at marami pang iba.
Photobucket
Photobucket

Huwag kalimutang panoorin, sa Oct. 20 na ang Gagambino pagkatapos ng Asero! Ang direktor nito ay ang batikang direktor na si Topel Lee.

Photobucket

Thanks Nic... Siya ang rason kung bakit nakapasok kami sa GMA kung saan ginawa ang presscon. Love you Nic! Enjoy the rest of the pics!

Photobucket
Photobucket




----------------------------------------------------------------------------------

Monday, October 6, 2008

JEMA sa GAGAMBINO

Nagti-taping na si Mart at Jennica Para sa Gagambino. I wanna share this video ng chika minute kung saan in-interview ang dalawa tungkol sa pag-amin nila sa kanilang tunay na relasyon at gayundin sa kanilang new project after Ako Si Kim Sam Soon, ang Gagambino na pinagbibidahan ni Dennis Trillo. At huling linggo na ng ASKSS. Abangan ang mas kilig pang moments ng JEMA sa pagtatapos ng top rating na soap na ito ng GMA!

Thursday, October 2, 2008

Kuwentong "...Kulam" Premiere

Ginanap ang "Mag-ingat Ka Sa Kulam" sa Megamall last Tuesday, Sept. 30. Successfull naman ito kahit medyo nagkaroon ng bulilyaso. Wala pa palang permit from SM... nabalita raw kasi na R-18 ang pelikula...knowing na ang SM Cinemas ay hindi nagpapalabas ng mga R-18 na pelikula. Pero naayos din naman.

MAHIGPIT: Hindi agad pinapasok ang mga tao kahit may mga tickets. Kahit nga ang ilang press people ay hindi makapasok dahil wala pa daw permit. ultimo ang anak ni mother lily (sorry i forgot the name) na producer ng movie ay hindi nakilala at hindi pinapasok. Pinapasok lang siya ng nagsabi siya na "producer ako". Finally, ibinaba na ang permit from SM kaya nakapasok na kami. PG-13 ang pelikula. Thanks po kuya Jim sa invites at pag-aasikaso. So deretso kami sa premiere seats kung saan nakalaan ang mga upuan sa mga guests ni Mart Escudero.

PICTURES: Dumating na ang mga artista na pinangunahan ng bida ng pelikula, ang young superstar na si Judy Ann Santos at ang magaling at poging aktor na si Dennis Trillo. Nakaitim silang lahat... ganun naman palagi ang suot ng mga artista sa premier night ng pelikula ng regal pag horror. Kasamang dumating ang iba pang artista ng pelikula na sina TJ Trinidad, Mart Escudero at Sharlene San Pedro. Wala si Kris Bernal at nagte-taping yata. Nandun ang papa ni Juday na si Ryan Agoncillo upang suportahan ang kanyang labs. Kaya signal na para dumugin namin sila at picture-an!

MAGANDA: Maganda naman ang pelikula at talaga namang super ang katatakutan at sa visual effects. Rated A nga ito ng Cinema Evaluation Board. At sa first day ay naka-8 million ito (kahit bumabagyo) ayon sa aking mga nabasang balita sa internet. Napakagaling ni Juday dito. At mukhang ito na ang tamang pagbabalik ni Dennis sa limelight since na-out of focus siya sa ilang problemang personal. Magaling din si TJ at sharlene. Congrats sa buong cast at sa Regal. At least malaki ang posiblidad na makabawi ito sa lugi ng flop na Loving You.

MART'S EXPOSURE: Kakaunti ang mga eksena dito ni Mot at ni Kris (mas marami pa nga si Kris). Pero masaya na ang mga Martians at Krismanians na makita siya (sila) kahit paano sa movie. Understandable naman dahil ito dapat ang pinakauna niyang (nilang) pelikula at pinaka-screen test pero sa ilang kadahilanan ay hindi agad natapos ang movie nung isang taon at nag-resume lamang ng shooting ngayong taon (na sulit naman at gumanda ang pelikula) Nakakatuwang panoorin si Mot dahil ang "totoy" niya pa dito kumpara ngayon. At pumunta pa rin siya sa premiere night kahit kakaunti ang eksena niya sa pelikula para suportahan ang kanyang Kuya Dennis na napakabait at nagpaiwan pa sa sinehan para magpa-picture sa mga fans.

CONCLUSION: Maayos namang naidaos ang premiere night ng "..Kulam" kahit biglaan ang planong ito ni Mother. Hindi ko nakita si Mother sa sinehan pero nasa Max's daw ito kung saan tumuloy ang mga artista, press at staff ng pelikula. Siguradong kikita nag movie dahil mas epektibo ang katatakutang ito... mas makapanindig balahibo pa nga ito kaysa sa Ouija at maihihilera sa mga horror movie na Feng Shui at Sukob. Congrats again and happy 48th anniversary sa Regal!

And now! The pics!

Photobucket
Dennis and Juday

Photobucket
Mart, TJ and Dennis

Photobucket
Si Mart habang ini-interview ng GMA reporter

Photobucket
TJ and Dennis

Photobucket
Mart and TJ

Photobucket
Juday and Ryan

Photobucket
TJ

Photobucket
Dennis and Karl

Thanks for viewing!

Thursday, September 25, 2008

MAG-INGAT KA SA KULAM premieres Oct. 1!

Photobucket

Mag-ingat Ka Sa Kulam: Doble Sa Drama at Katatakutan

Photobucket

Doble sa drama at katatakutan ang aasahan ng mga manonood sa 48th anniversary presenatation ng Regal Films na "Mag-ingat Ka Sa Kulam".

Tampok ang young superstar na si Judy Ann Santos na may dobleng katauhan at dobleng hiwagang taglay sa kanyang karakter. Si Dennis Trillo ang asawa dito ni Juday na unang nakasama sa premyadong pelikulang "Aishite Imasu" ng Regal Films din.

Photobucket


"Ngayon lang ako nakagawa ng horror film na ako lang talaga ang sentro ng kuwento, mhirap pala pero sulit", sabi ng sikat na aktres na dobleng hirap ang dinanas sa paggawa ng pelikula dahil sa prosthetics at iba pang requirements sa set.
Photobucket

"Doble naman ang saya ko dahil nakasama ko ulit sa pelikula si Judy Ann na talaga namang hinahangaan at iginagalang ko bilang aktres," sabi naman ni Dennis.
Photobucket


Tampok din sa pelikula sina TJ Trinidad at ang Starstruck's Ultimate Loveteam, Mart Escudero at Kris Bernal, sa Direksyon ng premyadong manunulat na si Jun Lana.
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket

Dobleng husay din ng special effects, tunog at music na ginamit sa pelikula para tiyak na dobleng kasiyahan ang aabutin ng mga manonood ng "Mag-ingat Ka Sa Kulam" n magbubukas sa mga sinehan sa halloween month simula October 1. Para sa libreng download at updates, pwedeng bisitahin ang: www.regalmultimedia.net?kulam.

Photobucket

Photobucket

Monday, September 22, 2008

SOP na naman!

Share ko lang po ang pics sa nakaraang SOP. Thanks again Mart for accommodating us. Bait mo talaga at ikaw uli ang sumundo sa min. mukhang abusado na kami ano po? Pero ang sabi ni Mot, para ano pa at naging magkakaibigan tayo. Yan ang tingin niya sa ating mga fans... kaibigan. Thanks again Mot.

We saw Jan Manual nga pala at we're so glad that hindi naman pala malala ang mga sugat nya... parang gasgas nga lang. Buti naman. You can see it sa pics na hindi ko niretokado. at kalog pa rin si Jan.

So eto na po ang mga pics. Enjoy!

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

so ayan po... susunod ang mga pics naman sa prescon ng "Mag-ingat Ka Sa Kulam" showing on Oct. 1.

Thursday, August 21, 2008

M.Y.M.P. now Prescon

Photobucket

Nasa album launching (prescon na rin) ako ng MYMP noong August 19. Yup, may bago silang album na ang title eh MYMP Now. Maganda ang mga selections at ito pa rin ang kind of music na minahal natin mula kay Juris & Chin. Sa mga sumusunod na kanta, paborito ko ang "Set You Free" ng Side A dati. Ito rin ang gustong kanta ni Juris sa Album. Release na po so buy na. No to pirated CD.

Photobucket

Photobucket

Monday, August 11, 2008

Something to say about...

Nasa SOP kami ni Karla last Sunday, 08/10/08. Text text at usap na pupunta nga kami, knowing na hindi naman namin alam kung makakapasok kami. Lakasan ng loob? Bahala na. Nung andun na kami sa visitor's entrance. tinext namin ang mga tingin namin ay pag-asa namin para maka-enter. Tinext ni Karla ang RM ni Mot, si Joey, bc yata kaya late ang reply, ang dami kasi nyang inaasikaso. Bukod kay Mot, eh aligaga din siya kay Dennis. Tinext din ni Karla si Mot...nagbakasakali lang naman. Pero nagreply si Mot at nagtanong kung asan kami. Tinext din ni Karla si JayR, ang r&b prince lang naman. Nagreply at ipasusundo daw niya kami. Pero nakita namin si Mot, at siya pa mismo ang nagpaalam sa guard para papasukin kami. Ang bait ni Mot ano po? Pero kaka-guilty t naistorbo namin... So panay ang thank you namin kay Mot sa pang-aabala namin. Hehehe! Thanks uli Mart.

Narito nga pala ang mga pics last Sunday. Comment na lang ako and say something about the stars na nasa pics.
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket

MART:
Pumayat si Mart ngayon at bumagay naman sa kanya. At binata na huh. Mukha kasi siyang totoy pa noong isang taon. Ang bilis nga naman ng panahon at ngayon ay nanliligawsiya sa dalaga ni Madam Jean Garcia na si Jennica na ka-loveteam uli ni Mot ngayon sa Ako Si Kim Sam Soon. Hindi dahil sa fan ako ni Mart pero gumagaling na talaga si Mot sa pag-arte ng tama lang at natural. Bawat bigkas ng dialogue at expression ng mukha. Pati pag-iyak. Keep it up Mot. I am truly a proud Martian. Kasama ba siya sa Gagambino? Abangan.

Photobucket

MARK:
Bait ni Mark. Cowboy na cowboy. Game na game magpa-pic kaya nilubos na namin ni Karla. At infairness, natatandaan nya kami. Kasama siya sa Italy na ipapalabas sa September kapartner si Rhian at pinagbibidahan ni Jolina at Dennis. Tumaba si Mark ngayon at naka semi kalbo na naman... bagay naman sa kanya. Ano ba ang susunod na teleserye niya after Joaquin Bordado?

Photobucket

MARKY:
Ganun pa rin si Marky. Bumabati, sumasaludo pag nakikita niya kami. Di nakakalimot. Kasama siya sa Asero, after ng top rating na afternoon soap na "Kaputol Ng Isang Awit" with Glaiza De Castro na tampok na bituin naman ng Dear Friend noong nakaraang Linggo. At napakaposible rin na one of these days ay si Marky naman ang panonoorin natin sa Dear Friend na panalo sa rating ngayon. So congrats sa staff ng dear friend.

Photobucket

JC:
Lagare ang isang ito ngayon. May "Loving You" na malapit nang ipalabas. May "La Lola" na partner si Rhian Ramos. At may "Sundo" (partner din si Rhian) na pinagbibidahan ni Robin Padilla na magsu-shooting na. Magaling naman kasi talaga si JC kung acting at acting ang pag-uusapan. Napakagaling niya sa "Babangon ako at dudurugin kita".

Photobucket

KATRINA:
Speaking of lagare, bukod sa pelikulang Miss X, ay may one month na "Obra" si Katrina. Drama series na iba iba ang direktor kada episode at magsisimula na this coming Thursday. Marami ang nagsasabi na suplada si Kat. Pero hindi po. napakabait ng dalagang ito contrary sa mag paratang sa kanya. manonood ako ng obra at mukhang very promising ang handog na ito ng GMA. Si Joel Lamangan yata ang nagdirek ng pilot episode.

Photobucket
Photobucket

JEAN:
Nakita Namin si Madam, at binati namin. At super hello naman siya sabay tanong kung nagkikita pa kami nila Jennica. Siyempre lately hindi na. Huli namin siyang nakita noong presscon ng ASKSS. Super beso siya sa amin nung umalis siya para umuwi. Goodluck sa "Loving You" madam!

Photobucket

IZA:
Laging nakangiti si Iza. Birthday presentation nya sa SOP. Kasama pala siya sa "Adela" na bida si Ms. Anita Linda (according kay Karla). maganda raw at nakakaiyak ang pelikula. eto yung link:http://www.pep.ph/guide/1768/Anita-Linda-spends-a-lonely-birthday-in-Adela. Kasama rin si Iza ni gabby Concepcion sa gagawing pelikula nito sa GMA. Kasama rin siya sa Marian-Dingdong Movie di ba? happy birthday Iza!

Photobucket

JAYR:
Wala lang. Ang galing mo lang. Kaka-award lang ng Gold Record Award ng "Soul In Love" na album ni jayr...wala pang promotion yan huh, ngayong pinu-promote nila mula mismo kay jayr, eh magdo-double platinum na daw. congrats sa r&b prince!

Photobucket

PIA:
Nung tinawag ko siya para magpa-pic, ang sabi ko "Angel". Di ba Pia Arcanghel (tama ba spelling?) name niya at siya yung sa Art Angel? Kaya Angel ang naitawag ko. Na di naman niya kinurek kaya ok lang siguro sa kanya. I love the face of this lady. mukhang anghel talaga. napakabait ng mukha. para ring si Vicky Morales na ang gaan ng pakiramdam at parang nakakawala ng problema pag tinitingnan ang mukha niya.

Photobucket

BRENT:
A Model (Ramp and Commercial) turned actor. Kasama ba siya sa Loving You? Di ko alam. Pero nasa SOP siya last Sunday. Sana magka-project siya sa Kapuso.

Photobucket

MEL:
Si Ate Mel, nag-birthday pala ng Aug. 10 at napanood ko sa "Mel & Joey" ang celebration niya. May VTR doon kung saan pumunta siya ng Palengke para kumustahin ang mga kababayan nating kapos at para pumili ng mga taong tutulungan niya. Naiyak ako sa kalagayan ng isang ale na namimili at pinagkakasya ang forty pesos na pamalengke. Nakita ni Mel yung ale na tumatawad sa tindera ng galunggong na uulamin nila ng kaniyang walong anak (wala po siyang mister), tinulungan siya ni mel at pinamili ng pagkarami-raming pang-ulam nilang buong pamilya. Naisip ko, angal tayo ng angal sa hirap ng buhay ngayon pero kung titingin ka sa paligid mo, eh mas pinagpala pa rin pala tayo. Happy Bithday Ms. Mel Tiangco at patnubayan ka sa magagandang layunin mo.

KARLA:
Thank you sa mga pinahiram mo sa kin na mga dvd at cd. Kitakits uli sometime.

Magandang araw sa lahat!