Thursday, September 25, 2008

MAG-INGAT KA SA KULAM premieres Oct. 1!

Photobucket

Mag-ingat Ka Sa Kulam: Doble Sa Drama at Katatakutan

Photobucket

Doble sa drama at katatakutan ang aasahan ng mga manonood sa 48th anniversary presenatation ng Regal Films na "Mag-ingat Ka Sa Kulam".

Tampok ang young superstar na si Judy Ann Santos na may dobleng katauhan at dobleng hiwagang taglay sa kanyang karakter. Si Dennis Trillo ang asawa dito ni Juday na unang nakasama sa premyadong pelikulang "Aishite Imasu" ng Regal Films din.

Photobucket


"Ngayon lang ako nakagawa ng horror film na ako lang talaga ang sentro ng kuwento, mhirap pala pero sulit", sabi ng sikat na aktres na dobleng hirap ang dinanas sa paggawa ng pelikula dahil sa prosthetics at iba pang requirements sa set.
Photobucket

"Doble naman ang saya ko dahil nakasama ko ulit sa pelikula si Judy Ann na talaga namang hinahangaan at iginagalang ko bilang aktres," sabi naman ni Dennis.
Photobucket


Tampok din sa pelikula sina TJ Trinidad at ang Starstruck's Ultimate Loveteam, Mart Escudero at Kris Bernal, sa Direksyon ng premyadong manunulat na si Jun Lana.
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket

Dobleng husay din ng special effects, tunog at music na ginamit sa pelikula para tiyak na dobleng kasiyahan ang aabutin ng mga manonood ng "Mag-ingat Ka Sa Kulam" n magbubukas sa mga sinehan sa halloween month simula October 1. Para sa libreng download at updates, pwedeng bisitahin ang: www.regalmultimedia.net?kulam.

Photobucket

Photobucket

No comments: