Ginanap ang "Mag-ingat Ka Sa Kulam" sa Megamall last Tuesday, Sept. 30. Successfull naman ito kahit medyo nagkaroon ng bulilyaso. Wala pa palang permit from SM... nabalita raw kasi na R-18 ang pelikula...knowing na ang SM Cinemas ay hindi nagpapalabas ng mga R-18 na pelikula. Pero naayos din naman.
MAHIGPIT: Hindi agad pinapasok ang mga tao kahit may mga tickets. Kahit nga ang ilang press people ay hindi makapasok dahil wala pa daw permit. ultimo ang anak ni mother lily (sorry i forgot the name) na producer ng movie ay hindi nakilala at hindi pinapasok. Pinapasok lang siya ng nagsabi siya na "producer ako". Finally, ibinaba na ang permit from SM kaya nakapasok na kami. PG-13 ang pelikula. Thanks po kuya Jim sa invites at pag-aasikaso. So deretso kami sa premiere seats kung saan nakalaan ang mga upuan sa mga guests ni Mart Escudero.
PICTURES: Dumating na ang mga artista na pinangunahan ng bida ng pelikula, ang young superstar na si Judy Ann Santos at ang magaling at poging aktor na si Dennis Trillo. Nakaitim silang lahat... ganun naman palagi ang suot ng mga artista sa premier night ng pelikula ng regal pag horror. Kasamang dumating ang iba pang artista ng pelikula na sina TJ Trinidad, Mart Escudero at Sharlene San Pedro. Wala si Kris Bernal at nagte-taping yata. Nandun ang papa ni Juday na si Ryan Agoncillo upang suportahan ang kanyang labs. Kaya signal na para dumugin namin sila at picture-an!
MAGANDA: Maganda naman ang pelikula at talaga namang super ang katatakutan at sa visual effects. Rated A nga ito ng Cinema Evaluation Board. At sa first day ay naka-8 million ito (kahit bumabagyo) ayon sa aking mga nabasang balita sa internet. Napakagaling ni Juday dito. At mukhang ito na ang tamang pagbabalik ni Dennis sa limelight since na-out of focus siya sa ilang problemang personal. Magaling din si TJ at sharlene. Congrats sa buong cast at sa Regal. At least malaki ang posiblidad na makabawi ito sa lugi ng flop na Loving You.
MART'S EXPOSURE: Kakaunti ang mga eksena dito ni Mot at ni Kris (mas marami pa nga si Kris). Pero masaya na ang mga Martians at Krismanians na makita siya (sila) kahit paano sa movie. Understandable naman dahil ito dapat ang pinakauna niyang (nilang) pelikula at pinaka-screen test pero sa ilang kadahilanan ay hindi agad natapos ang movie nung isang taon at nag-resume lamang ng shooting ngayong taon (na sulit naman at gumanda ang pelikula) Nakakatuwang panoorin si Mot dahil ang "totoy" niya pa dito kumpara ngayon. At pumunta pa rin siya sa premiere night kahit kakaunti ang eksena niya sa pelikula para suportahan ang kanyang Kuya Dennis na napakabait at nagpaiwan pa sa sinehan para magpa-picture sa mga fans.
CONCLUSION: Maayos namang naidaos ang premiere night ng "..Kulam" kahit biglaan ang planong ito ni Mother. Hindi ko nakita si Mother sa sinehan pero nasa Max's daw ito kung saan tumuloy ang mga artista, press at staff ng pelikula. Siguradong kikita nag movie dahil mas epektibo ang katatakutang ito... mas makapanindig balahibo pa nga ito kaysa sa Ouija at maihihilera sa mga horror movie na Feng Shui at Sukob. Congrats again and happy 48th anniversary sa Regal!
And now! The pics!
Dennis and Juday
Mart, TJ and Dennis
Si Mart habang ini-interview ng GMA reporter
TJ and Dennis
Mart and TJ
Juday and Ryan
TJ
Dennis and Karl
Thanks for viewing!
Thursday, October 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment