Tuesday, July 8, 2008

Mart & Jennica in "Dear Friend"

Photobucket

Magtatapos na pala ang "Tasya Fantasya" ni Yasmien Kurdi At Rainier Castillo sa Linggo. Mabuti naman. Hindi na kasi kaaliw-aliw ang show na ito. Tulad ng BND noon na sa umpisa lang maganda, ang TF ay hindi naging successful sa takbo ng kanilang istorya at kung saan saan na lang napunta. Mabuti pa nga ang BND noon at kahit paano ay lumalaban sa ratings. Samantalang TF ay below 10% ang madalas na rating at talo lagi ng "Your Song" ng ABS. Sayang at paborito ko pa naman si rainier. In fairness, magaling si Rainier noong Linggo sa eksena na mamamatay si Yas. Well, huling Linggo na po ng TF, panoorin natin alang alang sa paborito kong si Rainier.

Photobucket

Ang kapalit ng TF ay ang "Dear Friend" na mala "Lovingly Yours" na "Magpakailanman" pala ang dating (according sa ating mga ka-Martians", thanks nxtbase, kiku at happyjam") to be hosted by Marvin Agustin & Jolina Magdangal at ididirek ni Jun Lana. At ang stars ng pilot episode ay walang iba kundi ang phenomenal loveteam, Mart Escudero and Jennica Garcia na hataw rin ngayon sa top rating at nakatatawa naman talagang "Ako Si Kim Sam Soon".

Photobucket

Sana naman ay maalagaan ang "Dear Friend" at magagandang istorya sana ang ipalabas at hindi yung kung anu-ano na lang. Maraming talented artists ang GMA, pero nasasayang sa mga materyales na walang kwenta tulad nga ng TF. Di mo na masabi kung creative nga ba ang mga writers nito at parang hindi na nag-iisip.

Maayos naman ang taping ng JEMA sa pilot episode ng DF at ngayon pa lang ay inaanyayahan na nila kayo ng manood nito at two weeks from now ay ipapalabas na ito ---Sunday right after Pinoy Idol Extra.

No comments: