Sunday, May 18, 2008

Celebrity Premiere of "Ploning"

Naimbitahan kami ng aming kaibigan at kaibigan din ni Ms. Judy Ann Santos na si Albert para saksihan ang celebrity premiere ng "Ploning", ang maganda at maintrigang pelikula ni Juday. Ginanap ito sa Robinson's Galleria noong May 5. Rated A ang nasabing pelikula at gaya ng komento ng mga critics, kung may "Himala" si Nora at "Sister Stella L." si Vilma, may "Ploning" naman si Judy Ann. Tunay na obra maestra ang "Ploning" at siguradong hahakot ito ng awards sa susunod na awards season.

We had the chance to meet Juday na blooming and beautiful inside and out. Parang hindi siya "Young Superstar" at walang kaere-ere. Kaya naman patuloy ang blessings na natatanggap niya.

Maraming artista ang dumalo, kaya hindi mawawala ang picture taking. Siyempre naman, once in a lifetime ito kaya sinulit namin ang gabing iyon. And so i wanna share the pics.

Photobucket
Inumpisahan ang screening ng pelikula ng wala si Juday pero nakahabol naman siya at nagpasalamat sa mga nagsipunta sa premiere...

Photobucket
With Direk Dante Garcia. Congrats Direk!

Photobucket
Si "Siloy" na isa sa characters sa pelikula. Nakalimutan ko ang pangalan. Siya ay isang tunay na Palaweño. Nagulat pa siya nang yayain kong magpa-pic, hehe!

Photobucket
Isa sa mga panauhin, Toni Gonzaga

Photobucket
At pag nandyan si Toni, andyan din si Direk Paul syempre...

Photobucket
Ang magaling na young actor, Carlo Aquino. Katatapos lang ng "Kaputol Ng Isang Awit" kung saan isa siya sa cast. Wala pang kasunod na project para kay Carlo pero sinabihan siya ng isang GMA executive na kinakailangan nya munang magpalaki ng katawan. Kung sabagay, mukhang bata pa rin si Carlo at mas babagay siya sa mature roles kung malaki ang katawan niya.

Photobucket
With new kapuso, Joseph Bitangcol. A regular project sana for Joseph.

Photobucket
Dumalo rin si Mayor Alfred ng top rating na "Babangon Ako At Dudurugin Kita, Marvin Agustin.

Photobucket
naroon din si Jason Abalos, ang magaling na artista ng award winning na indie sine "Endo".

Photobucket
At ang Mr. Pogi winner ng Eat Bulaga, Edgar Allan at miyembro rin ng Studs.

Tru Albert, inimbitahan kami ni Juday sa isang dinner pero kalabisan na kaya minatamis na lang naming mag-dinner na treat ng aming kapatid na si Lionheart.

Panoorin nyo ang "Ploning" kung palabas pa... Don't miss the chance!

1 comment:

Drew said...

hey... the blog is nice... atleast now you have your own... this is a beautiful entry...